“Mga anak, sa pamamagitan ng maka-inang pag-ibig ay ninanais kong buksan ang inyong mga puso at ituro ang pakiki-isa sa Ama. Upang matunton ito, kailangang maunawaan ninyo na kayung lahat ay mahalaga sa Kanya at bawa't isa sa inyo ay tinatawag niya. Kailangan maunawaan ninyo na ang panalanging ay isang pakikipag-usap ng isang anak sa kanyang Ama, na ang pagibig ang daan na dapat tunguhin - pagibig sa Diyos at sa bawa't isa. Ito ay, na ang pag-ibig ay walang hangganan, pagibig na nagmumula sa katotohanan magpasawalang hanggan. Sundan ninyo ako, mga anak, upang ang iba, sa pamamagitan ng katotohan at tunay na pag-ibig, ay sumuno sa inyo. Salamat." Muli, tinatawagan ang lahat na ipanalangin ang mga pari. Dagdag ng Mahal na Birhen: Sila'y may katangi-tanging lugar sa aking puso. Sila ay kumakatawan sa aking Anak.”